Thursday, February 11, 2016

ALDEN MAY INAAMIN SA KANYANG TULA PARA KAY DIVINA.





TULA NI ALDEN KAY DIVINA


Totoo pala ang Sinabi nila
Na ang mga magagandang bagay
Ay darating sa tamang Tao, sa tamang pagkakataon
Walang Labis, walang kulang
At makakamtan sa tamang panahon

Tama sila, tinamaan na yata ako
Di ko akalain Na sa Unang pagpansin
Na sa una mong pagtingin
Ako'y mahuhumaling
Kilig. Kilig nga lang ba?
Pero bakit Iba ang nadarama
Ng dibdib kong May pagtataka?

Naiiba ka
At maaaring Hindi lahat ay nasa iyo
Pero sinisiguro ko na sa iyo lang ang pusong ito

Paulit-ulit nila akong tinatanong
"Siya ba talaga? Totohanan na ba?
At sa mga di ko pagsagot
Marami silang paniniwala at paghuhusga
Pero balewala lamang sa akin ang mga yon
Pagkat sa akin ikaw lang ang mahalaga

Noon takot ako
Takot ako sa maraming bagay
Sa mga akala kong limitasyon ng aking Buhay
Pero ika'y nakilala nawala ang aking pangamba
Bagkus napalitan ng ligaya

Saksi sa Diyos sa marami kong pagsubok
Saksi siya sa marami kong pinagdaanan
Pero marunong siyang magbigay ng palatandaan
Na malapit ako sa dapat kong paroonan
Pina samahan Niya ako ako sa iisang Anghel
Isang Anghel na hahawak sa aking mga kamay
At mananatili panghabang Buhay

Kaya salamat sa lahat
Hindi na kailangan isa-isahin pa
Tutal nag-iisa ka lang sa Buhay ko
Sana pangmatagalan na ang ligaya nating ito
At sagutan mo na ako ng matamis mong OO.


1 comment: