TULA NI MAINE PARA KAY ALDEN
Sino ka nga ba?
At paano mo masasabi na ikaw ay naiiba?
Ano nga ba ang papel mo sa mundong ito?
Ano nga rin ba ang papel mo sa buhay ko?
Iyan ang mga bagay na tinatanong ko sa aking sarili
Madalas nga ay hindi ako mapakali
Sa daming bumabagabag sa aking isip
May mga oras na sumasakit ang aking dibdib
Sabi ng iba ay hindi ikaw ang karapat-dapat
Humanap daw ako ng iibig sa akin ng sapat
Kaya dapat daw akong maging maingat
Pero sino ba sila para magdikta kung sino ang nararapat
Inaamin kong ako'y takot na mahulog sa isang tulad mo
Ngunit alam ko na darating ang araw na kinatatakutan ko
Pero ano nga bang magagawa ko?
Tila ang loob ko'y unti-unti ng nahuhulog sayo
Tinatanong ko ang aking sarili, kung ikaw ba'y aking gusto
Ngunit ang isip ko'y nagsimulang magtalo
Maaaring hindi ang bulong ng isipan ko, pero nararamdaman ko ang sigaw ng puso ko ay oo
May mga oras na isip ko'y gulong-gulo, sapagkat di ko na malaman kung alin ba ang totoo
Hindi ko kailanman plinano na magkagusto sayo
Hindi ko din alam kung tama bang sundin ang puso ko
Alam mo ba na mahirap kang basahin
Kaya tila bang kay hirap mong mahalin
Sa takot na hindi mo ako kayang saluhin, ayos lang basta kailanman ay wag mo kong lolokohin
Ninanais kong malaman ang tunay na laman ng puso mo
At magbabakasakali kung pangalan ko ba ang sinisigaw nito
Nais kong malaman ang tunay kong halaga sayo, pero ako'y natatakot na malaman ang totoo
Tila sa puso ko'y ikaw lang ang tanging makikita, dapat na bang aminin aking sinta
Tama bang sabihin sa iyo? Tamang panahon nalang ang hinihintay ng puso ko
Credits to the one who encode this poem
hay, kakaiba sila talaga, at inaakala ko na maging sila.
ReplyDelete...sana magbalik na sila sa dati..
ReplyDeleteImiss aldub
Once a girl being rejected she will never assume that the feeling will remain the same..
ReplyDeleteSana sila na
ReplyDeleteWala na maine natikman ka na ni atayde 😂
ReplyDelete